Shabu

Parak nasamsam P800K shabu, dinampot 3 ‘tulak’ sa Taytay

Gil Aman Jul 17, 2025
35 Views

TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto at nakuhanan pa ng mahigit P800,000 halaga ng shabu ng mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Taytay police sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal noong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Weng, Nizel at Kenneth.

Naaresto ang tatlo ng makabili ang poseur-buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu kay alyas Weng.

Si alyas Nizel ang tumanggap ng marked money kaya sila naaresto ng mga operatiba.

Sa isinagawang frisking, narekober mula kay Weng ang karagdagang dalawang sachet ng hinihinalang shabu habang isang sachet rin ang nakuha kay Nizel.

Samantala, naaktuhan naman si alyas Kenneth na bumibili rin ng shabu kay Weng.

May kabuuang 120 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P816,000 ang nasamsam sa operasyon laban sa tatlong suspek.