Abucay Ang lumubog na Balanga city plaza. Contributed photo ni Mayor Raquel Garcia.

Parak ng Abucay sa bagyo naging bayaning buhay

Christian Supnad Jul 27, 2025
374 Views

ABUCAY, Bataan — Dahil sa buong tapang na nilusong nila ang malalim at rumaragasang flash flood na umabot sa five feet sa kailogan maisalba lang ang mga residente, ang mga police dito na pinangunahan ni Major Jhon Rhey Cutab ay tinaguriang “living hero for risking their lives and limbs.”

Ang mga litrato ng Abucay policemen na lubog sa rumaragasang ilog at sumasagip ng mga residente ay nakita sa social media.

“Hanggang leeg ang tubig samin dito sa Wawa,” ani Dianne, na taga Wawa.

Ayon kay Major Cutab, “We enforced a mandatory evacuation Tuesday afternoon to thousands of residents residing along the coastal areas of Sitio Bakawan and barangay Wawa in this coastal town in Bataan.”

“Umapaw lahat ng ilog sa Abucay kaya nag-conduct kami ng forced evacuation sa ilang kabahayan na tinamaan ng pag apaw ng ilog at nadamay na rin mga kalsada sa looban. Nag- ikot ulit kami, mas mababa na ang level ng tubig sa ilog pero alalay pa rin at tuloy tuloy pa ang ulan,” ani Major Cutab.

Nauna dito, nag-order si Mayor Erik Martel ng forced evacuation matapos lumubog halos ang walong barangay sa Abucay.

Ang Barangay Wawa at Sitio Bakawan areas ay nagmistulang catch basin ng ulan mula sa bundok ng Upper Salian at Gabon.

Lumubog din ang plaza saq Balanga City, indikasyon na matindi ang monsoon rains kumpara nokng nagdaang taon.

“It was submerged Tuesday afternoon, but this morning, the flood waters have been subsided,” ani Vice mayor Francis Garcia.

Sa Hermosa town, pinangunahan din nina Mayor Ann Inton at mister na si former Mayor Jopet Inton ang personal na pag monitor sa mga low lying areas sa Hermosa at naghanda rin sila ng relief foods para sa mgaaffected residents sa low-lying barangays gaya ng Almacen, Daungan, at iba pa.

Sina Governor Joet S. Garcia, at Col. Marites Salvadora, police directress, ay abala ring umikot sa lalawigan upang tingnan ang kalagayan ng mga apektadong mamayan.