Calendar

Parak tiniklo 2 suspek na tulak
TIMBOG ang dalawang lalaki dahil sa umanoy pagtutulak ng iligal na droga matapos marekober sa kanila ang 80 gramo ng Kush sa Maceda St., Brgy. 523, Zone 52, Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi.
Bandang alas-11:45 ng gabi ng masakote ng mga operatiba ni P/Lt. Col. Brillante Billaoac, commander ng MPD Police Station 4, ang mga suspek na sina Jerick alyas Pogi, 24, at 21-anyos na si alyas Andre, estudyante.
Nasabat sa dalawa ang tinatayang 80 gramo ng Kush (cannabis) na nagkakahalaga ng mahigit P112,000 sa pamumuno ni Major Gil John Lobaton ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Narekober rin sa mga suspek ang ginamit na buy-bust/boodle marked money na ginamit sa transaksyon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sideline ng mga suspek ang pagbebenta ng iligal na droga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang tulak na si alyas Pogi habang paglabag sa Sec 11 sa kasama nitong si alyas Drei ang ikakaso sa kanila.