MPBL Parañaque-Zamboanga showdown sa MPBL.

Parañaque agaw eksena sa MPBL

Robert Andaya May 24, 2024
174 Views

HINDI nagpapigil ang Parañaque Patriots upang itala ang 65-62 panalo laban sa Zamboanga Master Sardines sa panibagong umaatikabong sagupaan sa elimination round ng MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Alonte Sports Center sa Binan, Laguna.

Nagsanib pwersa sina JP Sarao at Philip Manalang upang pamunuan ang Patriots sa kanilang ika-pitong panalo laban sa dalawang talo, parehong record ngayon ng Zamboanga sa presthiyosong kumpetisyon.

Si Sarao ay nagtapos na may 17 points, 11 sa third quarter, five rebounds at two blocks, habang si Manalang ay may 13 points at seven assists.

Nag-ambag si John Uduba ng 11 points at eight rebounds para sa Patriots, na hindi na napigil pa ng matapos magtala ng 10-point kalamangan, 49-39 at 51-41.

Ang dating MPBL MVP na si Jaycee Marcelino ang nanguna sa kanyang 18 points, seven rebounds, four assists at two steals para sa Zamboanga, na naglaro na wala ang kanyang backcourt partner at twin brother na si Jayvee.

Nagtapos naman si John Mahari ng 10 points at eight rebounds para sa Zamboanga.

The scores:

Parañaque (65) –Sarao 17, Manalang 13, Ubuda 11, Gallano 7, Razon 6, Olegario 4, Villanueva 3, Vizcarra 2, Yee 2, Pido 0, Loyola 0, Castro 0, Ruaya 0, Martel 0, Umali 0.
Zamboanga (62) — Jc Marcelino 18, Mahari 10, Barcuma 6, Santos 6, Terso 6, Publico 4, Subido 4, Tansingco 3, Alas 2, Omega 2, Gabayni 2, Strait 0, Ignacio 0, Nayve 0, Celestino 0.
Quarterscores: 19-21, 34-34, 51-41, 65-62.