PYD Kasama nina Acot at Yi ang ilan sa mga kalahok sa nakalipas na Dreamers League.

Partnership ng PYD, Fr. Duenas-Guam, tuloy

Robert Andaya Jan 21, 2023
294 Views

MAS lalo pang pasisiglahin ng Pinoy Youth Dreamers at Father Duenas Friars ng Guam ang kanilang sinimulang partnership para makatuklas at makasanay ng mga magagaling na mga batang players.

Ito ang inanunsyo ng PYD, sa pamumuno ni founding president at champion coach Beaujing Acot, at Father Duenas Friars sa pangunguna ni coach Jimmie Yi matapos ang matagumpay na PYD Dreamers League nitong nakalipas na buwan.

Tinukoy ni Yi ang naging matagumpay performance ng kanyang team sa nasabing kumpetisyon at ang hatid nitong magandang karanasan para sa kanyang nga batang players.

“We’re surely coming back to participate in future PYD tournaments of coach Beaujing Acot. We finished only third, but I think the players learned a lot. That’s more important for all of us,” pahayag ni Yi sa panayam ng People’s Tonight/Taliba kamakailan.

Hindi ikinaila ni Yi na madami at malaki ang mga natutunan ng kanyang mga players sa ginawang paglalaro laban sa mga piling manlalaro mula PYD.

“Our players went back home to Guam not just with new-found friends, but valuable lessons in basketball which they can use in the near future,” dagdag pa ni Yi, na nagpa-plano ding palawakin pa ang kanilang mga outreach program hindi lang sa mga estudysnte kundi payi sa mga out-of-school out-of-school youth.

“When we come back for more outreach program, it could be anywhere. We’re not limiting our program to Pasig only. We’re open to any areas.”

Pinuri din ni Yi ang mga maganda ding programa ng PYD para makatuklas ng mga players mula grassroots.

“I think this PYD outreach program for the youth is wonderful. They have great impact for the young players and as basketball coaches and players, that’s really our goal. We don’t just play basketball but we also want to go out there and help other kids, especially the ones that don’t have enough opportunities. We want to pay it forward,” paliwanag ni Yi.