Martin

Party leaders nangako kay Speaker Martin Romualdez na susuportahan pagpasa ng nalalabing 11 priority measures ni PBBM

Mar Rodriguez May 10, 2023
118 Views

NAGBIGAY ng commitment at nangako ang mga lider ng iba’t-ibang political parties sa Kamara de Representantes na susuportahan nila ang pagpasa ng nalalabing labing-tatlong “priority measures” ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. bago ang Sine Die Adjournment sa darating na Hunyo.

Nakiisa ang mga kongresista sa panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez upang maipasa ang mga mahahalagang panukalang batas na kabilang sa mga “priority bills” ng Marcos, Jr. administration bago matapos ang session ng Kongreso sa susunod na buwan.

Nauna rito, nakipagpulong si Speaker Romualdez sa mga lider ng iba’t-ibang partido sa Kamara de Representantes para talakayin ang magiging diskarte ng Kongreso sa nalalabing apat na linggo ng session dahil mayroon na lamang apat na linggo para tapusin ang mga “legislative agenda”.

Binanggit din ng House Speaker sa kaniyang maikling mensahe matapos magbukas ang session ng Kongreso na kailangang i-maximize o gugulin ng Mababang Kapulungan ang lahat ng oras para maipasa nila sa takdang oras ang lahat ng nakasalang na “common legislative agenda”.

“Later this afternoon I will engage with our party leaders to see how we can make sure that the remainder of this four weeks before we adjourn sine die is used most efficiently and maximized so we can achieve our goals in making sure that the common legislative agenda, not must both houses but that of executive are achieved,” ang naging mensahe ni Speaker Romualdez.

Kabilang sa mga partido politikal na dumalo sa ipinatawag na meeting ni Speaker Romualdez ay ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), PDP-Laban, Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC) at Party-List Coalition Foundation (PCFI).

Ibinigay ng mga lider at kinatawan ng mga nasabing political parties ang kanilang commitment sa ginawang “all-party caucus” noong Lunes ng hapon (May 08) na pinangasiwaan ng House Speaker.

Dahil sa ipinangakong suporta ng mga lider ng iba’t-ibang partido politikal, pinasalamatan naman ni Speaker Romualdez ang kaniyang mga kapwa kongresista na nagbigay ng kanilang commitment para makamit ng Kongreso “goal” nito na maipasa ang 13 panukalang batas bilang mga “priority bills”.

“We will try to achieve that objective on a best effort basis. The bills on deck will complement those that we have already passed and which support the Agenda for Prosperity and eight-point socio-economic roadmap of President Ferdinand Marcos, Jr.” pahayag pa ni Speaker Romualdez.