Oducado1

Party list solon mangunguna sa TWG ng anti-interference measures

Mar Rodriguez Mar 11, 2026
102 Views

PAMUMUNUAN ni 1-Tahanan Party List Rep. Nathaniel Oducado ang Technical Working Group (TWG) ng House Committees on Justice at National Defense and Security kaugnay sa foreign interference at espionage.

Layunin ng TWG na makapag-balangkas ng bagong batas tungkol sa foreign interference at espionage kung saan isang substitute bill ang bubuuin mula sa House Bill No. 1068, 3219, 4214, 4887 at 7200.

Ipinaliwanag ni Oducado na ang pangunahing layunin ng babalangkasing bagong batas ay maprotektahan ang bansa mula sa impluwensya ng ibang mga bansa.

“The Philippines will not tolerate foreign interference in any form. Kailangan natin protektahan ang ating bansa mula sa panghihimasok at pag-eespiya ng ibang mga bansa,” wika ni Oducado.

Ayon sa kongresista, iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na natuklasan nito ang tangkang pagkuha ng mga impormasyon kaugnay sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal kasama ang impormasyon sa kanilang pamilya.

Aminado si Oducado na napaglipasan na ng panahon ang kasalukuyang batas hinggil sa usapin ng pang-eespiya (espionage) kung saan ito ay sinimulang balangkasin noon pang panahon ng Commonwealth sa ilalim ng administrasyong Quezon.

“Foreign Espionage is not a partisan issue. As every Filipino must be protected from foreign manipulation, coercion and covert influence.

Our current espionage laws were created as early as the Commonwealth era and are not enough to protect from contemporary threats such as cyber espionage, disinformation campaigns and alleged foreign funding aimed at corrupting and destabilizing our institutions,” dagdag ng mambabatas.