Subpoena Source: File FB post

Parusa sa pamemeke ng info sa subpoena isinusulong

41 Views

UPANG pigilan ang panggigipit gamit ang pekeng address sa mga subpoena, naghain si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ng panukalang batas na papataw ng mabigat na parusa laban sa ganitong gawain.

Panukala ng Senate Bill 2890 ni Padilla ang kulong na hanggang dalawang taon; at multa na hanggang P300,000 laban sa sinumang magbibigay ng pekeng address sa pag-isyu ng subpoena.

“While a preliminary investigation is not properly a trial but merely precursory thereto, it already subjects an accused to an open and public accusation of a crime, with the trouble, expense, anxiety, and moral suffering which a criminal prosecution and risk of incarceration always entails,” ani Padilla sa kanyang panukala.

“In order to reinforce the protection of the right of an accused against malicious and oppressive prosecution, and to protect the state from the possibility of initiating a misguided prosecution that may result to a waste of valuable time, effort, and resources, the passage of this measure is earnestly sought,” dagdag niya.

Sa panukala ni Padilla, ang sinumang lalabag ay haharap sa kulong na anim na buwan hanggang dalawang taon; at multa na P100,000 hanggang P300,000.