Ret. PCol. Royina Garma Ret. PCol. Royina Garma

Pasabog ‘tip of the iceberg’ pa lang – Young Guns

43 Views

NANINIWALA  ang dalawang miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes na “tip of the iceberg” pa lang ang naging pasabog ni Ret. PCol. Royina Garma, kaugnay ng pagbibigay ng reward nina dating Pangulong Rodrigo R. Duterte at dati nitong presidential assistant at ngayo’y senador na si Christopher “Bong” Go sa mga pulis na pumapatay sa mga pinaghihinalaang adik at pusher noong nakaraang administrasyon.

Ayon kina Reps. Jefferson “Jay” Khonghun at Francisco Paolo Ortega V, maaaring patikim pa lamang ang mga naging rebelasyon ni Garma, na itinalaga ni Duterte bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ang maaga nitong pagreretiro sa Philippine National Police (PNP).

Kumbinsido sina Khonghun at Ortega na maraming alam si Garma kaugnay ng pagpapatupad ng Davao model ng anti-illegal drug war.

“Mind you, it’s just the tip of the iceberg – so to speak. It comes from the perspective of an insider who has not just the trust and confidence, or the eyes and ears of the former president, but even beyond that,” ayon kay Khonghun, kinatawan ng unang distrito ng Zambales.

“So, this is not something that cannot be easily ignored. This testimony definitely carries with it much credibility, most especially if other witnesses, including documentary evidence, will corroborate whatever Garma may have to say as a matter of public record,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Ortega, ang kinatawan ng unang distrito ng La Union, ang pagbubunyag na ginawa ni Garma sa quad committee noong Biyernes ng gabi ay simula pa lamang ng mas malalim at mas nakababahalang isyu ukol sa kung paano isinagawa ang extrajudicial killings (EJK) ng administrasyong Duterte.

“Please take note that Garma’s explosive testimony before us involves not just hundreds, but thousands of lives lost to drug operations where even innocent children and teenagers were killed – all in the guise of combatting the drug menace in the streets,” saad pa nito.

“There is much more to uncover, and we are committed to getting to the bottom of these serious allegations. The Quad Comm will not stop until all the facts are laid bare because this is about accountability,” pagdidiin pa ni Ortega.