Fake Soure: BI

Pasahero di nakaalis pa-Japan dahil sa pekeng dokumento

Jun I Legaspi Nov 5, 2024
84 Views

ISANG 23-anyos na babae ang pinigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration na umalis matapos magpresenta ng pekeng dokumento.

Ang babaeng biktima, na itinago ang pangalan bilang pagsunod sa mga batas laban sa trafficking, ay nagtangkang umalis patungong Japan noong Nobyembre 2 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ng biktima na naglalakbay siya sa ibang bansa upang bisitahin ang kanyang sinasabing asawa, isang Japanese national na naninirahan sa Nagoya.

Ipinakita niya ang isang Commission on Filipinos Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program (GCP) Certificate, ngunit agad na natukoy ng mga opisyal ang dokumento bilang peke.

“Our officers saw inconsistencies in her document, prompting them to submit it for verification with the CFO,” saad ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Pinadali ng pinagsamang sistema ng BI-CFO ang real-time na pag-verify, at kinumpirma na ang numero ng sertipiko na ipinakita ay hindi umiiral.

Sa isang follow-up interview, inamin ng biktima na binili niya ang dokumento sa pamamagitan ng isang fixer online para sa kanyang paparating na international travel.

Binalaan ni Viado ang mga manlalakbay na tumanggap ng mga alok ng mga fixer sa social media.

Ang biktima ay itinurn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa pinagmulan ng pekeng dokumento.