Chiong

Pasahero sa NAIA lumobo sa unang quarter ng 2023

192 Views

UMAKYAT ng 158 porsyento ang bilang ng mga pasaherong gumamit ng Ninoy Aquino International Airport sa unang quarter ng 2023 kumpara sa kapaherong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang nangangasiwa sa NAIA, nakapagtala ito ng 10,855,332 pasahero sa unang tatlong buwan ng 2023, mas mataas sa 4,200,575 pasahero na naitala sa unang quarter ng 2022.

Mas mababa naman ito ng 6% kumpara noong 2019 o bago ang pandemya na umabot sa 11,587,919.

“With the reopening of borders in countries such as Hong Kong and China, as well as the easing of travel restrictions, many travelers have regained confidence to fly in and out of the Philippines for both leisure and business purposes,” sabi ni MIAA General Manager Cesar Chiong.

Tumaas naman sa 67,781 ang flight movement sa unang quarter ng 2023 o 77% na mas mataas kumpara sa 38,269 na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.

Mas marami naman ito ng 4 porsyento kumpara sa 65,161 flight sa unang quarter ng 2019.