Co

Pasaherong gumamit ng NAIA lumobo ng 78%

Jun I Legaspi Jul 16, 2023
170 Views

LUMOBO ng 78 porsyento ang bilang ng mga pasahero na gumamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa unang anim na buwan ng 2023.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) nakapagtala ang NAIA ng 22,221,933 international at domestic passenger sa unang semestre ng taon mas mataas ng 78 porsyento kumpara sa kaparehong taon noong 2022.

Sa ikalawang quarter ng taon (Abril hanggang Hunyo) nakapagtala ng 11,357,156 pasahero na umalis o dumating sa NAIA, tumaas ng 5 porsyento kumpara sa 10,864,777 pasahero na naitala noong unang quarter ng taon.

“We are pleased to experience these surges in statistics—a strong indication that passengers have regained the confidence to travel again. The double-digit surge in our flight movements and passenger volume is enough ground for optimism that the aviation industry is steadily heading towards full recovery,” ani MIAA Officer-in-Charge Bryan Co.

Noong Hunyo ay 1,752,098 pasahero umano ang bilang ng mga international passenger.

“Comforted with the consistent growth in numbers, with airlines introducing new routes, and with new airline players coming in, we will pursue without let-up our improvement projects, especially those that would highly impact the passenger experience inside and outside of the terminals,” sabi ni Co.

Nauna ng natapos ng MIAA ang Schedule and Terminal Assignment Rationalization, o STAR program upang mapataas ang kapasidad ng apat na terminal ng NAIA.

Ang mga international flights ay nasa NAIA Terminal 1 at 3 na at ang Terminal 2 naman ay pang-domestic na lamang kasama ang Terminal 4 kung saan naka-talaga ang mga turboprop operation.

Dahil sa pagbabagong ito, ang dating 26 counter ng Bureau of Immigration ay nadagdagan ng 18 at bago matapos ang taon ay daragdagan pa ito ng MIAA upang maa maging mabilis ang pagproseso sa mga pasahero.