MRT3

Pasaherong sumasakay ng MRT-3 lagpas 400k

194 Views

LUMALAGPAS na ng 400,000 ang bilang ng mga pasahero na sumasakay ng Metro Rail Transit 3.

Noong Pebrero 3 ay umabot sa 402,741 ang bilang ng mga pasahero na sumakay sa MRT-3, ang pinakamataas mula noong Hunyo 2020, nang magbalik ang operasyon ng tren matapos ang lockdown.

Tinalo nito ang rekord na 400,182 pasahero na naitala noong Pebrero 1.

Mayroong average na bilang na 18 train sets na tumatakbo sa mainline tuwing peak hours, ayon sa MRT-3.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa loob ng mga tren gaya ng palagiang pagsuot ng face mask, pagbawal sa pagsalita at pakipag-usap sa telepono, pagbawal kumain, uminom at paninigarilyo, pagpapanatili ng maayos at sapat na ventilation sa mga PUV, laging pagsagawa ng disinfection, at pagbawal sa pagpasakay ng pasaherong may sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon.