Pasig Batang Pinoy champion Pasig. PSC photo

Pasig bagong overall champion sa Batang Pinoy

Robert Andaya Dec 4, 2024
109 Views

PUERTO Princesa City — Tulad ng inaasahan, tinanghal ang Pasig bilang bagong overall champion sa 2024.Batang Pinoy National Championships na nagtapos sa Ramon V. Mitra Sports Complex kamakailan.

Base sa opisysl na medal tally, nag-uwi ang Pasig City ng 105 golds, 64 silvers at 116 bronzes upang makamit ang korona sa kumpetisyon na itinaguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan ng Puerto Princesa City government.

Pinutol ng Pasig ang apat na sunod-sunod na pagwawagi sa kampeonato ng Baguio City sa torneo na para sa lahat ng kabataan na edad 17-anyos pababa.

Sinandigan ng Pasig na nagpadala ng kabuuang 771 atleta ang swimming kung saan nagwagi ito ng 11 ginto, 9 pilak at 11 tanso para sa 31 medalya habang nagkolekta din ito ng marami pang ginto sa 29 na iba pang pinaglabanang sports

Pumangalawa ang dating kampeon na Baguio City na nagwagi ng 92-72-89 (gold-silver- bronze) para sa kabuuang 253 medals.

Pumangatlo ang Quezon City na may 59 golds, 55 silvers at 53 bronzes or kabuuang167 medals.

Pang-apat ang Davao City na may 39-44-37 (120) at panglima ang General Santos City, ns may 36-30-40 (106).

Inuwi ng Pasig ang P5-milyon incentive sa pagiging kampeon.

Samantala, P4-milyon naman ang para sa Baguio.

Mayroon ng P3-milyon ang Quezon City habang P2-milyon para sa Davao.

Ang General Santos ay may P1-milyon.