Paslit courtesy Photo CCTV,, Ang kuha ssa CCTV kung saan naglalakad ang paslit bago nangyari ang trahedya. JON-JON C.REYES

Paslit nagulungan ng pick-up truck sa Tondo, patay

Edd Reyes Oct 16, 2024
11 Views

Paslit1PATAY ang dalawang taong gulang na batang babae,nang umano’y magulungan habang patawid ang paslit sa panulukan ng Morga at Masinop Street, Barangay 42, Tondo, Manila, Linggo ng hapon.

Namatay habang inoobserbahan sa Mary Jhoston Hospital ang biktimang si Jayza, ng Wagas Street, Bgy.42, Tondo.

Kusang loob namang sumuko ang driver na nakilalang si alyas Jenard, 35 ,may asawa, self employed,residente ng Masinop Street, Tondo, na nagmaneho ng pick-up na Mitsubishi Strada.

Ayon kay Police Staff Sargent Allen Christian Camangon, may hawak ng kaso, na pinangasiwaan ni Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Investigation Traffic Section ( VITS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 4:00 ng hapon, nang maganap ang insidente sa naturang lugar

Idinekalarang dead on arrival ang biktima ni Dr. Aldrich Cua, attending physician.