Calendar
Pasukan sa pampublikong paaralan itinakda sa Agosto 22
ITINAKDA ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 22 ang simula ng pasukan ng mga pampublikong paaralan para sa School Year 2022-23.
Batay sa DepEd Order No. 034, series of 2022 na pirmado ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte matatapos ang school year sa Hulyo 7, 2023 o may habang 203 school days.
Pinapayagan naman ang mga pribadong paaralan na magtakda ng kanilang pasukan bata hindi maaari na mas maaga ito sa unang Lunes ng Hunyo at bago mag-Setyembre.
Unti-unti umano ang gagawing face-to-face classes at inaasahan na sa Nobyembre ay maaari ng pumasok sa paaralan ang lahat ng estudyante.
“Starting November 2, 2022, all public and private schools shall have transitioned to 5 days of in-person classes,” sabi sa Department Order.
Ang enrollment naman ay isasagawa mula Hulyo 25 hanggang Agosto 22. Ang Brigada Eskwela ay mula Agosto 1 hanggang 26 at ang Balik eskuwela ay sa Agosto 15.