2 suspek sa krimen nasukol sa Maynila
Oct 11, 2026
61 pugante huli sa Calabarzon
Oct 11, 2026
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
Calendar
Ang natagpuang labi ng biktima na nasa edad 13-15-anyos sa South Harbor Pier 3, Port Area, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES
Metro
Patay na menor de edad nakitang walang saplot pang-itaas, lumulutang sa Port Area
Jon-jon Reyes
Jul 12, 2025
392
Views
PATAY na at lulutang-lutang nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang menor-de-edad na babae sa Pier 3, South Harbor, Port Area, Manila noong Huwebes.
Ang biktima, na walang pang-itaas na damit, nasa 4’9 ang taas at katamtaman ang pangangatawan, ayon sa report.
Bandang alas-7:39 ng gabi nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis tungkol sa babaeng natagpuang patay sa nasabing lugar.
Rumesponde sina PO2nd Patrick John Juliano para imbestigahan ang kaso.
Nakipag-coordinate ang mga nakakita sa Coast Guard South Harbor sa pangunguna ni PO3rd Rowel Juanico para makuha ang bangkay.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima ni PSSg Charles Benson Dela Torre ng MPD homicide section.
2 suspek sa krimen nasukol sa Maynila
Oct 11, 2026
AMA,70, PINAPULIS NG SARILING ANAK SA PANANAKOT
Oct 11, 2026
9-anyos nagsumbong ukol sa paggahasa ng ama
Oct 10, 2026

