Vic Reyes

Pati gagamba inii-smuggle na

Vic Reyes Dec 11, 2024
74 Views

ISANG magandang araw sa lahat ating tagasubaybay, lalo ng sa Japan at ibang oarte ng mundo.

Nawa’y patuloy kayong patnubayan ng Poong Maykapal.

Binabati natin sina: Teresa Yasuki, Dinah Suzuki, Taya Yap Yamazaki, Marilyn Yokokoji, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, La Dy Pinky at Hiroshi Katsumata.

Mabuhay kayong lahat!

***

Hindi na tayo nagtataka na kung saan-saan nasasakote ang mga kontrabandong iligal na droga, sigarilyo, frozen food at produktong agrikultura.

Noon pa man, ang mga ito na ang paboritong ipasok sa bansa ng mga ismagler sa tulong ng mga tiwaling lingkod-bayan.

Pero ngayon, pati mga gagamba ay iligal na ipinapasok na rin sa bansa.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Talagang malaki ang kinikita ng mga ismagler sa wildlife trading ngayon, kasama na ang fauna at flora.

Mahal ang mga halaman at animal na ito dahil unti-unti ng nauubos ang mga ito.

Sa Pilipinas, marami ng plant and animal species “face extinction.”

Nawawala na ang kanilang habitat “in the name of progress and development.”

“Mountains and forests are being transformed into shopping malls, golf courses, subdivisions and public plazas,” ayon sa isang environmentalists.

Kamakailan nga ay naka-intercept ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark sa Pampanga ng mga buhay at patay na spiderlings.

Ang mga buhay na gagamba ay nakatago sa isang air parcel na galing sa Indonesia at papuntang Valenzuela City.

Sa 178 na gagamba, 157 ang buhay at 21 ang dead specimens.

Ang mga kontrabando ay inilipat sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources-Provincial Environment and NaturaL Resources Office (DENR-PENR0) for proper disposition’

Kinumpiska ang shipment, na idineklarang naglalaman ng “hairclips,” dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tareiff Act (CMTA).

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na ang pagkasakote ng mga gagamba ay nagpapatunay lamang na ang gobyerno ay determinadong pigilian ang illlegal wildlife trading.

Ayon naman kay District Collector Jairus Reyes, sila ay mananatiling “vigilant and dedicated to protecting the nation’s borders” ang Port of Clark.

Sa tingin ng marami ay nasa tamang landas ang BOC sa pagpigil sa illegal na pagpasok ng mga halaman at animal.

Nakakatakot ito dahil baka may mga dalang sakit ang mga ipinapasok na wild flora ang fauna sa ating bansa.

Biro mong perhuwisyo ang dulot ng mga halaman at animal na manggagaling ng ibang bansa na hindi dumaan sa tamang proseso?

Dapat taasan ang parusa sa mga sangkot sa illegal wildlife trading.

****

Sana tuloy-tuloy na ang pagganda ng panahon hanggang sa pagsapit ng pasko.

Sobra na ang hirap ng mga taong nasalanta ng mga sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.

Maraming nawasak na mga bahay, mga pananim, at mga ari-arian na ipinundar ng mahabang panahon.

Lugmok ang marami dahil sa sunod-sunod na mga malalakas na bagyo at pag-ulan.

Limang magkakasunod na trahedya ang nagpadapa sa mga residente ng Northern Luzon, Central Luzon, Southern Tagalog, Metro Manila at Bicol Region.

Papano na lang kung magkaroon pa muli ng mga sakuna o bagyong mapaminsala.

Ang masakit pa, maraming empleyado ang nawalan ng trabaho dahil nasira ang mga bahay kalakal.

Sa totoo lang, matagal bago maayos ang mga nasirang ari-arian, kaya karamihan sa ating mga kababayan ay magpapaskong malungkot.

Ubos ang pera ng gobyerno para lang sa pagbibigay ng ayuda, pag-repair ng mga government infrastructure, lalo na sa kanayunan.

(Para sa inying komento ag pagbati mag-text sa # +63 9178624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang biong pangalan at tirahan.)