Patong-patong na kaso isinampa sa pulis na namaril, nakapatay ng motorista

43 Views

SINAMPAHAN ng patong-patong na kaso ang pulis na namaril at nakapatay ng isang motorista sa away-trapiko sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City noong Huwebes ng gabi, Marso 20.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Acting Director, P/Col. Melecio Buslig, Jr, sinampahan Marso 22, 2025 ng mga kasong Murder; Frustrated Murder; at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at B.P. 881 (Omnibus Election Code) alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11067 si PEMS Randy Enano Tuzon, 48, residente ng Brgy. Kaligayahan, Quezon City at nakatalaga sa Batasan Police Station 6.

Sa ulat, noong Huwebes, bandang alas-6:30 ng gabi, minamaneho ng biktimang si Ronnie Casero Borromeo, 42, kasama si Reynaldo Hagos, 51, ang isang Mitsubishi L300 nang umano’y makagitgitan nila ang minamanehong L300 truck van ng pulis.

Dahil dito, bumaba ang suspek at nilapitan sina Borromeo at Hagos upang komprontahin.

Subalit sa gitna ng pagtatalo, kumuha umano si Borromeo ng bakal at ipinalo sa suspek, kaya agad naman itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga biktima.

Sa isinagawang forensic examination, natukoy na nagtamo si Borromeo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang si Hagos ay nagtamo ng tama sa kaliwang balakang at hita na nagpapagaling na ngayon sa ospital.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala at isang fired bullet