PBA PBA officials, sa pangunguna ni Chairman Ricky Vargas ng TnT at Commissioner Willie Marcial. PBA photo

PBA balik sa three-conference format

Robert Andaya May 31, 2022
313 Views

MAGBABALIk sa dating three-conference format ang PBA simula sa pagbubukas ng Philippine Cup ngayong Linggo.

Ang naturang hakbang ay bilang tugon na din ng PBA, ang kauna-unahang professional basketball league sa bansa, sa panawagan na makiisa na unti-unting pagbabalik sa normal na sitwasyon matapos ang pakikibaka sa nakalipas na pandemya.

“We’ll have a full season,” pahayag ni PBA chairman Ricky Vargas ng TnT sa ginawang press launch para sa 47th season ng liga nung Miyerkules sa Conrad Hotel.

Sinabi ni Vargas na ibabalik ng liga ang kanilang pre-COVID calendar, na kung saan gaganapin ang Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governors’ Cup ayon sa pagkasunod matapos mapilitan na gawin ang isang kumpetisyon sa isang bubble nung 2020 at hanggang dalawang kumperensya nitong nakaraang taon.

”With God’s grace, we survived the pandemic, we survived one conference, we survived two conferences and we’ll succeed with three conferences,” paliwanag pa ni Vargas.

Dumalo din sa naturang media launch kasama ni Vargas sina PBA Commissioner Willie Marcial, vice chairman Bobby Rosales ng Terrafirma, treasurer Atty. Raymond Zorrilla ng Phoenix,

Silliman Sy ng Blackwater, Rod Franco ng NLEX, Eric Arejola ng NorthPort, Rene Pardo ng Magnolia, Atty. Mert Mondragon ng Rain or Shine, Robert Non ng San Miguel Beer, Alfrancis Chua ng

Barangay Ginebra, at Atty. Chito Salud ng bagong salinmg team na Converge.

“The biggest priority is to get back to normal and the only way we will get back to normal is to have three conferences,” dugtong pa ni Vargas.

Ang PBA ay bumalik sa regular na programming habang nakatutok sa sinasabing “poaching of player” ng mga liga sa ibang bansa sa pamamagitan ng imga itinuturing ni Vargas na “unprofessional agents.”

Magsisimula ang 47th season ng PBA sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum, na kung saan maghaharap ang Converge at Rain or Shine simula 4:30 p.m. at TnT at last year’s runnerup Magnolia

Timplados sa 6:30 p.m.

Una dito, pararangalan ng PBA ang Most Valuable Player at iba pang pinakamahusay na mga indibidwal players sa ginanap na Season 46.