PBA Bumisita ang mga URCC officials, sa pangunguna ni Alvin Aguilar, sa GAB office sa Makati.

PBA, pro sports leagues balik saya

Ed Andaya Mar 19, 2022
632 Views

NAGPAHAYAG ng kasiyahan ang Games and Amusements Board (GAB) sa patuloy na pagbabalik ng iba’t ibang professional sports leagues bunsod ba din ng patuloy na pag ganda ng health situation sa buong bansa.

Matapos ibaba ang sitwasyon sa Alert Level 1, nagsimula na ding magbukas ang nga pangunahing sports leagues, gaya ng PBA at PFL, ngayong buwan ng Marso.

Para sa,GAB, maganda itong senyales para sa mga atleta at iba pang sports stakeholders.

“We are glad that professional sports is now starting to normalize again in the country. Though, of course, our priority remains to be the safety of our athletes, teams, and game officials against the virus,” pahayag ni GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra.

Nagsimula na ang pinakahhintay na Philippine Football League 2022 season sa pagbubukas ng “Copa Paulino Alcantara 2022” nung March 14 sa Cavite, habang pumalo na din ang Premier Volleyball League nung March 16 sa Paco Arena.

Sa basketball, nagsimula na din ang quarterfinal round ng Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup sa Smart Araneta Comiseum.

Magkajasabay na ding nagsimula ang Pilipinas Super League sa Dipolog City, ang Filbasket sa San Jose del Monte, Bulacan, at VisMin Super Cup sa Zamboanga City on March 19.

“We’re just as excited as everyone else because it’s been a while since we’ve had this many sports events happening at the same time in different parts of the country,” dagdag ni Mitra.
Sa Visayas at Mindanao, tuloy na din ang nga boxing promotions.

Kabilang dito sina Cebu-based boxing promoter Eva Arquisola, na itstaguyod ang April Jay Abne -Garin Diagan fight sa March 19 sa Cebu City; Mark Vicelles laban kay Richard Claveras sa Pio

Castillo’s promotions sa Cebu province sa March 26; Roslan Eco laban kay Jason Mopon sa March 20 sa Misamis Oriental, at boxing promoter Gerry Balmes na magtaguyod ng Ar-Ar Andales- Joey Canoy match sa April 9 sa Laguna.

Hindi din pahuhuli ang URCC na magtatampok ng isang mixed martial arts event sa March 22 sa Olongapo City.