PBBM Kasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel at ang Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa pagpapasinaya sa Mobile Soil Laboratory (MSL) sa Malacañan Palace nitong Biyernes. PPA POOL / MARIANNE BERMUDEZ

PBBM admin papataasin produksyon ng pagkain

Chona Yu Dec 6, 2024
74 Views

PBBM PBBMPARA mapataas pa ang produksyon ng pagkain, pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kauna-unahang mobile soil laboratory sa bansa.

Ginawa ang inagurasyon sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Pangulong Marcos, historical landmark ang MSL dahil malaking tulong ito sa sektor ng agrikultura.

“Ito kaya ngayon, ang araw na ito’y makasaysayan — dahil makasaysayang hakbang na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng agrikultura sa ating adhikain nang masiguro ang sapat na pagkain, mauunlad na pamayanan, at mas nagkakaisang bayan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating walang pagod na hangarin na patatagin ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagalalay sa ating mga magsasaka,” dagdag ng Pangulo.

Ang MSL ay isang customized 10-wheeler truck na may state of the art equipment, facility, resources, at safety features.

Mayroon itong kapasidad na magsagawa ng 44 soil chemical, physical at microbiological parameters.

Ang MSL ay proyekto ng ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa ilalim ng National Soil Health Program.

Ayon kay Pangulong Marcos, maaring makuha ang lab test mula sa mobile laboratory sa loob lamang ng limang araw.

“Layunin ng proyektong ito na bigyan ang ating mga magsasaka ng kaalaman at teknolohiyang magagamit nila na siyentipiko na paraan ng pagsasaka,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Sa ganitong paraan, mapapangalagaan nila ang kalusugan ng kanilang lupa, magagamit nang tama ng pataba, at makakamit ang mas mataas na ani,” dagdag ng Pangulo.

Target ng BSWM na ilagay ang MSL sa National Soil and Water Resources Research Development Center Lowland Ped-Ecological Zone sa San Idelfonso, Bulacan.

Balak din ng BSWM na bumili ng karagdagang 16 units para ilagay sa ibat ibang bahagi ng bansa.