Martin

PBBM admin susunod sa EU seafarer standards— Speaker Romualdez

172 Views

SUSUNOD umano ang Pilipinas sa standard na itinakda ng European Maritime Safety Agency (EMSA) upang hindi magkaroon ng problema ang mga Filipino seafarer na naglalayag sakay ng mga barko ng EU.

Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez tinutugunan ng Marcos administration ang mga puna kaugnay ng pag-aaral ng seafarer sa mga eskuwelahan sa bansa.

“There’s a three-month period which we have to actually comply. Kung hindi, hindi marerecognize yung mga… kumbaga yung mga graduate certificates natin, eh di mawawala yung bisa. It’s such an unfortunate condition. We all know that Filipino seafarers are the best,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez mayroon ding mga panukala sa Kongreso na itinutulak upang mas maging mahusay at mapalakas pa ang competitive edge ng mga Filipino seafarer.

Inamin ni Romualdez na dumami ang mga manlalayag mula sa India na nangangahulugan na tumataas ang kakayanan ng mga ito.

Isa umano sa mga panukala na itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay ang panukalang Maritime Education and Training Act, na naglalayong gawing moderno ang maritime education at training ng mga estudyanteng marino.

“They definitely deserve to be given the best opportunities to excel,” giit ni Romualdez na kasama ni Marcos sa Association of Southeast Asian Nations European Union (ASEAN-EU) commemorative summit sa Brussels, Belgium.

Nauna ng ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagbuo ng isang advisory council upang matugunan ang mga puna ng EMSA sa seafarers education, training, at certification system ng bansa.