Impeach

PBBM alanganin magpatawag ng special session para sa impeachment vs Sara

Chona Yu Feb 25, 2025
8 Views

Nakaiilang para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung boluntaryong magpapatawag ng special session ang Kongreso para sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mas makabubuti kung hihilingin ng Senado sa Pangulo na magpatawag ng special session.

“The way we see it, it would be an awkward position on the part of the President to voluntarily call for special session considering that there is this ongoing intrigue that the President is behind the impeachment proceedings. So, it is better for the senate to request the President considering that even the President made this pronouncement that if the senate will ask him to call for a special session, he will do so. pahayag ni Castro.

“Kung papansinin niyo po ang Constitution, the President may call special session anytime,” dagdag ni Castro.

Pero ayon kay Castro, may gray area ang Konstitusyon sa impeachment proceedings sa pagsasabing maaring magpatuloy ang impeachement proceedings kahit naka-recess ang Kongreso.

“If you will look and read the provisions of the Constitution, you will see po, ‘to forthwith proceed’ pero wala pong makikitang time element. Is it to forthwith proceed even during recess? Because they can proceed definitely, if there is session. There’s no question about that. But to proceed during recess, may gray area po iyan sa Constitution,” pahayag ni Castro.

“So, with that, hindi lang po ito limitado sa kung may urgency patungkol sa bill or legislation. But we believe it includes also the impeachment trial,” dagdag ni Castro.

Nahaharap sa impeachment complaint si Duterte dahil sa kwestyunableng paggastos sa pondo ng bayan at bantang ipapatay sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.