Calendar
PBBM aminado: Pagka-aresto ng 5 Tsinong espiya nakakabahala
AMINADO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na labis na nakababahala ang limang Chinese spies na naaresto kamakailan sa Palawan.
Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ang dahilan kung kaya agad na inaresto ang lima.
“That’s why we arrested them because of course we are very disturbed by anyone conducting such espionage operations against our military and our – and just the services that we are trying to provide the people,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga naaresto sina Cai Shaohuang, 52; Wang Yong Yi, 52; Wu Jun Ren, 62; Wu Chengting, 38; at Chen Haitao, 36. Nahaharap ang lima sa kasong espionage dahil sa pagmamanman sa mga base militar ng Pilipinas at sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement sites (EDCA) ng Pilipinas at Amerika.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ni Pangulong Marcos kung pakawala ng gobyerno ng China ang lima.
“We – no, we have no contact with the – no official contact with China,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We are still – the investigative services are still developing more information to see exactly what these five have been – what operations they have been doing while they have been here in the Philippines,” dagdag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, kailangang mabusisi ng husto ang pagkatao ng lima dahil matagal na sila sa Pilipinas.
“Dahil ‘yung iba matagal nang nandito nakapangasawa na ng mga Pilipina. At sleeper talaga, sleeper, tinatawag na sleepers,” pahayag ni Pangulong Marcos.