BBM

PBBM: Bakit ang dami-daming pera ni Alice Guo?

Chona Yu Sep 6, 2024
59 Views

NAIS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilatag na ni dismissed Bamban, Tarlac Mayora Alice Guo ang lahat ng nalalaman nito kaugnay sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Sa ambush interview sa Antipolo City, sinabi nito ni Pangulong Marcos na nais niyang malaman kung paano lumaki ang operasyon ng POGO.

“What I want to hear from her is for her to lay out exactly how these POGOs became so such a large — basically, a criminal enterprise,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And as mayor, for her to say she did not know this was going on is very difficult to believe,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Imposible aniya para sa isang mayor na hindi malaman ang operasyon ng POGO.

“Because as a former local government executive, it seems impossible that an operation that is what — a few hundred meters away from my own office na hindi ko alam ‘yung nangyayari doon, illegal na ganitong kalaki na operation. Sana maipaliwanag niya kung bakit hindi niya alam,” dagdag ni Pangulong Marcos.

“Paanong — bilang isang mayor na hindi niya malaman kung ano ‘yung nangyayari doon sa bayan niya, na ganon kalaki na problema. Tapos, marami pa siyang sasagutin. Paano siya yumaman nang ganyan? Ba’t ang dami-dami niyang pera? Paano siya naging mayor na hindi naman siya kilala nang tiga-doon? All of these things,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Batid ni Pangulong Marcos na naitanong na rin sa pagdinig ng Kongreso ang kanyang mga tanong subalit dapat na sagutin na ito ni Guo.

“Well, all these questions have actually been asked by both the House and the Senate. I just hope she answers it better than her cohorts. Sina Cassandra Ong at saka sina Sheila [Guo], very evasive makasagot,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Sana naman mabuti-buti ang sagot ni Alice Guo, as compared doon sa mga kasamahan niya because it will not help her at all to be evasive. Mas bibigat ang magiging problema niya kung hindi siya magsabi nang totoo,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Naaresto si Guo ng Indonesian authorities at ibinalik sa bansa.