Vic Reyes

PBBM bilib sa BoC!

Vic Reyes Feb 9, 2025
38 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Lalo na ang mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saydi Arabia at iba pang panig ng mundo. Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Bago ang lahat binabati natin si La Dy Pinky, na sumailalim sa isang maselan na operasyon noong nakaraang Biyernes, Pebrero 7. Taglay ang ang pananalig sa Panginoong Diyos naging matagumpay ang operasyon at nagpapagaling na ngayon si Pinky.

Salamat sa Diyos!

Binabati rin natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Pat Coronel, Tata Yap Yamazaki, Josie Gelo, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kaibigan ng halos lahat ng Filipino sa Japan si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joann de Guzman ng Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

Talaga namang marami ang bimilib sa ginawa ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang taon.

Iyo ay matapos maitala ng ahensiya ang “highest ever revenue collection in history.”

Umabot ng tumataginting na P931.046 bilyon ang koleksyon ng BOC noong 2024.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay lampas ng P40 bilyon sa koleksyon nitong P890.446 bilyong noong 2023.

Sa kanyang talumpati noong Biyernes (Pebrero 7), pinuri ni Marcos ang mga BOC personnel dahil sa kanilang achievement.

Si Presidente Marcos ang naging guest of honor at speaker noong 123rd anniversary celebration ng BOC.

Ang taunang selebrasyon ng pagkakatatag ng BOC ay ginanap sa fully-airconditioned Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

“With the right collection of tariffs at our ports, our countrymen can enjoy faster travel, our children can have enough supplies and material for their education, and many of our youth can finish college,” sabi ni Marcos.

Noong isang taon, ay nakakumpiska rin ang BOC ng smuggled goods na nagkahalaga ng mahigit na P85 bilyon.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, ang ahensya, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay nakasakote ng P43 bilyong kontrabando noong 2024.

Ang halos dobleng huling kontrabando ay nagpapatunay lamang na lalong pinaigting ng ahensya ang kanyang anti-smuggling drive.

Ang mga nakumpiskang goods ay kinabibilangan ng illegal vape products, counterfeit items at illegal fuel shipments.

Hindi lang ‘yan. Tinanggalan din ng BOC accreditation ng limampung importers at customs brokers dahil sa iba’t ibang offenses.

Sa taong ito ay naatasan ang BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), na mangolekta ng P1.06 trilyon.

Ito ay isang gigantic pero hindi imposibleng misyon dahil determinado ang mga taga-BOC na gampanan ang kani-kanilang trabaho.

Maraming challenges ang kakaharapin ng ahensya sa taong ito.

Nandiyan ang Ukraine-Russian conflict, gulo sa Middle East at kontrobersya sa West Philippine Sea (WPS).

Pero hindi dahilan ang mga ito para hindi makamit ng BOC ang kanyang 2025 assigned tax take.

May mga contigency plans ang gobyerno ni Pangulong Marcos para malampasan ang mga problemang ito.

Tama ba, Finance Secretary Ralph Recto at Commissioner Rubio?

***

Bukas, Pebrero 11, ay simula na ng official campaign period para sa May 12 nasyonal at lokal na halalan.

Ito ay para sa mga tumatakbo sa pagka-Senador at party-list organizations.

Ang mga local candidates naman ay magsisimulang mangampanya sa Marso 28 pa, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ang mga tumatakbong district congressmen, gobernador, bise gobernador, board member, mayor, vice mayor at konsehal.

Nagpa-alaala ang Comelec na huwag mamili at magbenta ng boto.

Parehong mapaparusahan ang vote-buyer at vote-seller, ayon sa ating election laws.

Ang problema lang ay mahirap patunayan ang vote-buying at vote-selling at kulang na kulang ng tao ang Comelec.

Napaka-enterprising ng maraming kandidato, lalo na sa kanayunan na kung saan maraming nagugutom na botante.

Sa tingin ng marami ay mahirap mawala ang pamimili ng boto hangga’t nandiyan ang kahirapan sa bansa.

‘Yan ang reality sa Pilipinas.