Calendar
PBBM binigyan-diin kahalagahan ng AFP
BINIGYAN-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa seguridad at demokrasya ng bansa.
Kasabay nito ay nangako si Pangulong Marcos na palalakasin ang organisasyon ng AFP at mga tauhan nito.
“As your President and your Commander-in-Chief, I stand resolutely behind and with the Armed Forces of the Philippines. I will ensure that the strength of the organization and the well-being of all its personnel are attended to,” ani Pangulong Marcos.
Pinangunahan ng Pangulo ang panunumpa sa tungkulin ng 40 bagong promote na heneral at flag officer ng AFP na ginanap sa Malacañang hapon ng Lunes, Hunyo 19.
Hinamon ni Pangulong Marcos na manatiling epektibo at responsive sa pangangailangan ng bansa.
“Henceforth, your strategic leadership will be the fulcrum and the compass, so that the AFP will move in the right direction, guided by the Constitution and the democratic principles that we have all sworn to uphold,” sabi ng Pangulo.
Sinabi rin ng Pangulo na mataas ang inaasahan nito sa mga bagong promote na opisyal ng AFP sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.
PBBM binigyan-diin kahalagahan ng AFP