BBM2

PBBM bukas sa pagtatakda ng testing requirement sa mga galing sa China

209 Views

BUKAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglalagay ng testing requirement para sa mga darating sa bansa na mula sa China kung saan muling dumarami ang mga kaso ng COVID-19.

“Yes, well we — as long as it’s based on science and we feel that there’s a need, we will do it. But again, it depends on what the true risk is to us,” sabi ng Pangulo.

“Kung naman it’s something that is manageable, then I’m sure we can find a way to — not completely close our borders to China, but to find a way to have a procedure so that those coming from China who may have been exposed or who may have been infected will be tested and ‘yun lang naman ang ating inaalala,” ani Marcos.

Nauna rito, inanunsyo ng Amerika na ang mga biyahero na galing sa China ay kailangang magpakita ng negative COVID-19 test result bago payagan na sumakay ng eruplano na patungo sa Estados Unidos.