BBM1

PBBM: Dapat mamuhunan sa infra, teknolohiya para iproseso mga mineral sa PH

Chona Yu Oct 16, 2024
59 Views

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat na mamuhunan ang Pilipinas sa imprastraktura na magpapahintulot sa lokal na pagproseso ng mga mineral dito sa bansa.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 2023 Presidential Mineral Industry Environment Award Ceremonial Awarding sa Palasyo ng Malakanyaang, sinabi nito na mataas na ang pangangailangan para sa paglilipat sa mga kritikal na mineral para sa malinis na enerhiya .

Kaya aniya para tunay na mapakinabangan ang potensyal na ito ay kailangang mamuhunan sa imprastraktura at teknolohiya na kaialngang para iproseso ang mga mineral sa bansa.

Kasabay nito, mahalaga rin aniya na ipatupad ang mga kasanayan sa pagmimina na nagbibibgay prayoridad sa kapaligiran, para matiyak na ang ating mga proseso ng pagkuha ay alinis , mahusay at maibabalik ang lupain na minina.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos na ang paglagda sa Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System o PENCAS Act nitong Mayo 2024 ay nagpatibay sa dedikasyon ng gobyerno sa napapanatiling pamamahala ng yaman.

Sinabi pa ng Pangulo na patuloy na pinapahusay ng gobyerno ang mga polisiya sa pagmimina para maipakita ang mga prayoridad na ito.

Pinangunahan rin ni Pangulong Marcos ang awarding ceremony para sa pagbibigay ng 2023 PMIEA sa Malakanyang at iginiit na ang okasyon na ito ay bilang pagdiriwang sa pangako at responsiblidad ng mga mining firms.