BBM

PBBM dineklarang National Day of Charity ang Oktubre 30 kada taon

Chona Yu Jun 22, 2024
74 Views

PARA masiguro na mapasisigla ang buhay ng mga Filipino sa ilalim ng “Bagong Pilipinas,” idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. ang Oktubre 30 kada taon bilang “National Day of Charity,”

Base sa dalawang pahinang Proclamation No. 598 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, pangako ng administrasyon na itaguyod ang magandang buhay ng bawat Filipino.

“Bagong Pilipinas, as the overarching theme of the Administration’s brand of governance and leadership, calls for deep and fundamental transformations in all sectors of society and government, and visions to emphasize compassion, solidarity and social responsibility among Filipinos,” nakasaad pa sa proclamation.

Inaatasan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pangunahan ang koordinasyon at pangasiwaan ang pagdiriwang ng “National Day of Charity” at kilalanin ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa selebrasyon.

Ang PCSO rin ang siyang magsasagawa ng medical services, at libreng medical at dental services , pagtatatag ng isang out-patient clinic sa pakikiapgtulungan sa mga kwalipikadong government at non-government welfare institutions/agencies para mag promote para sa kagalingan ng mga marginalized sectors.

Inaatasan din ang lahat ng ahenisya ng gobyerno at instrumentalities kabilang ang government owned or controlled corporations, financial institutions at state universities and colleges at hikayatin na sumali para sa pagdiriwang ng “National Day of Charity” gayundin ang lahat ng lokal na pamahalaan , non-government organizations at pribadong sektor.