Calendar
PBBM ‘great job’ sa unang 100 araw sa Palasyo—Speaker Romualdez
HINDI umano maitatanggi ang magandang nagawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang 100 araw nito sa Malacañang.
Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez nakagawa ng mga hakbang ang Pangulo upang mailagay ang bansa sa direksyon ng pag-unlad.
Sinabi ni Romualdez na maganda ang binuong budget ng Malacañang para sa 2023 dahil tumutugon ito sa pangangailangan ng bansa at sumusunod ito sa 8-point economic agenda ng administrasyon.
“I think the President has done great things in the government, particularly in his Cabinet. And his policies are very clear,” sabi ni Romualdez.
Magiging mahalaga umano ang tamang paggastos sa limitadong pondo ng gobyerno para maabot ang hinahangad na pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Romualdez makatutulong din ang pagpunta ng Pangulo sa Indonesia, Singapore, at Estados Unidos upang hikayatin ang mga foreign investors na magnegosyo sa bansa na makalilikha ng dagdag na mapapasukang trabaho.
“He has also done a wonderful job in engaging our friends in the international community whereby foreign direct investments would be coming,” sabi pa ng lider ng Kamara.
Nakasungkit ang Pangulo ng $14.36 bilyong foreign investment pledge sa Indonesia at Singapore at mahigit $4 bilyon sa Estados Unidos.
“So we’re looking for a swift recovery despite all of the pressures and the global economic (downturn), so we’re very excited for his administration,” dagdag pa ni Romualdez. “And on the part of the House, we support him wholeheartedly and we wish him Godspeed and congratulations to his first 100 days.”