Calendar

PBBM hands off sa impeachment vs Duterte
DUMISTANSYA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Hindi rin alam ni Pangulong Marcos Jr. na ang anak na si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos ang unang lalagda sa impeachment.
Sa press conference sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi maaring makialam ang ehekutibo sa trabaho ng lehislatura.
“The executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na walang magagawa ang Kongreso kung hindi ang aksyunan ang impeachment complaints.
“Once the impeachment complaints were filed, the House and the Senate, they have no choice. Nakatali na ang kamay nila. They have to do this and they have to do it in recognition of again the complaints that have been filed. So, iyon ang nangyari ngayon,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Apat na impeachment complaint ang inihain sa Kamara laban kay Duterte.
Sa press conference sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos humingi naman sa kanya ng payo ang anak.
Bilin ni Pangulong Marcos sa kanyang anak, gawin ang mandato nito bilang isang kongresista.
“So, sabi ko, “nandiyan na tayo,” sabi ko kay Cong. Sandro, sabi ko sa kanya, “The process has already begun. So, it’s your duty now to support that process. So, do your duty.” That’s what I told him, “Do your duty. You have to support the process. You are Constitutionally mandated to carry out that process. And you’re a congressman, so do your duty.” That’s what I told him. I didn’t know he’ll be the first to sign though,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Matatandaang si Congressman Marcos ang unang lumagda sa impeachment kay Duterte habang huling pumirma naman ang pinsan ni Pangulong Marcos na si Speaker Martin Romualdez.
Naniniwala si Pangulong Marcos na hindi naman sinuway ng mga mambabatas ang kanyang pakiusap na huwag nang ituloy ang impeachment kay Duterte dahil pag-aaksaya lamang ito ng panahon.
“No. I am sure that the parties that filed the impeachment cases felt strongly about it. And despite my importunings and expressing my opinion that we really – we’d rather not have the impeachment, they continued to do that,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“So, it’s not defiance. Ganyan ang kanilang paniniwala. Sa kanilang paniniwala kailangan na kailangang gawin ito. Kahit na sinabi ko na, “Sana huwag na”. “Hindi, hindi puwede, hindi naming puwedeng palampasin ito.” Ganoon ang thinking nila. So, tinuloy nila. And I don’t view that as a defiance. I view that as some… They’re expressing what they feel to be right,” pahayag ni Pangulong Marcos.