BBM

PBBM hinikayat mga Pinoy sa US na magnegosyo sa PH

135 Views

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino sa Estados Unidos na magnegosyo sa Pilipinas upang matulungan ang bansa.

Binigyan-diin ni Marcos ang pangangailangan ng bansa ng pamumuhunan, maging maliit man ito o malaki, upang makalikha ng dagdag na mapapasukang trabaho.

Sinabi rin ng Pangulo na maituturing na mga special envoy ng bansa ang mga Pilipino na nagtatrabaho abroad at hinimok ang mga ito na hikayatin ang kanilang mga employer na magnegosyo sa Pilipinas.

Ayon pa kay Marcos dapat hikayatin ng mga Pilipino ang mga dayuhan na bisitahin ang iba’t ibang tourist spot sa Pilipinas na kinikilala ng mundo.

Dinalaw ng Pangulo ang Filipino community sa New Jersey bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa Estados Unidos kung saan gaganapin ang ika-77 United Nations General Assembly.