Calendar
PBBM hinimok DepEd, LGU na suportahan student-athletes
HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan na suportahan ang mga estudyanteng atleta upang magtagumpay ang mga ito.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 2023 Palarong Pambansa sa Marikina City, tiniyak ng Pangulo na nananatiling suportado ng gobyerno ang mga atletang Pilipino.
“I urge the Department of Education to keep harnessing the talents and sportsmanship of our student-athletes. Continue to leverage your reach and resources to provide them with the support, training, and opportunities that they thrive on and on which they will succeed,” ani Pangulong Marcos.
“With consistent and diligent efforts, I am confident that they will eventually bring glory to our nation not only in the field of sports, but also in other endeavors that they will choose to pursue,” dagdag pa nito.
Hinimok din ng Pangulo ang mga lokal na pamahalaan na patatagin ang paglahok ng mga paaralan sa mga kompetisyon upang maging motibasyon ng mga manlalarong estudyante.
Sinabi rin ng Pangulo na ang pagpupunyagi ng mga atleta ay nagsisilbing inspirasyon sa iba.
“Your dedication to sports is both inspiring and remarkable. You serve as exemplars of excellence, integrity, and sportsmanship by showing to your peers and your fellow Filipinos the result of your discipline, your training, your hard work, and the many sacrifices you had to make to make it here today,” sabi pa ng Pangulo.
“We have faith that you will all emerge not only victorious against the challenges in the playing field, in your academic work, but also in the journey of life,” dagdag pa nito.
Inimbita rin ng Pangulo ang publiko na manood ng kompetisyon at mag-cheer sa kanilang mga paboritong manlalaro.