BBM4

PBBM hinimok kabataan na makilahok sa nationwide coastal cleanup

Chona Yu Sep 2, 2024
115 Views

MAKILAHOK sa nationwide coastal cleanup.

Mensahe ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kabataan na makiisa sa nationwide coastal cleanup at iba pang conservation activities sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Maritime Archipelagic Nation Awareness Month (MANAMo) ngayong Setyembre.

Sa isang video message na ipinost sa social media ng Maritime Industry Authority (Marina), sinabi ni Pangulong Marcos na mapalad ang Pilipinas at pinagpala sa malawak na maritime at archipelagic resources na maaaring mapakinabangan ng mga Filipino.

“As stewards of this incredible gift, it is incumbent upon us to preserve and develop these resources to their fullest potential,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang pagdiriwang ng MANAMo ngayong taon ay isang panawagan para mapataaas ang kamalayan sa mga isyu ng maritime at archipelagic issue at pang hikayat sa mga filipino para protektahan ang maritime interests at resources ng bansa sa ibat-ibang banta.

“As this important occasion also coincides with the observance of Fish Conservation Week, International Coastal Cleanup Day, and National Maritime Day, I encourage everyone, especially our youth, to support and to join the countrywide coastal cleanup and conservation activities,” pahayag pa ni Marcos.

Ang buwan ng Setyembre ay idineklara bilang Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month sa pamamagitan ng Proclamation No. 316, s. 2017 kasabay ng pagdiriwang ng lahat ng maritime-related events.

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,000 isla at higit na 14,000 coastal communities na nakadepende sa maritime resources para sa kanilang kabuhayan.