PBBM

PBBM hinimok mga negosyante na mag-invest sa edukasyon, skills training

217 Views

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga negosyante na mag-invest sa edukasyon at skills training upang mapalakas ang lokal na mga industriya at mabawasan ang pangangailangan ng bansa na mag-angkat ng mga produkto.

Sinabi ni Marcos na dapat ding mag-invest sa digitalization ng mga proseso at research and development.

“So again, import substitution is still a good idea not only for foreign exchange reserve but also, so that we can keep our inflation rate down,” sabi ng Pangulo sa 11th Arangkada Philippines Forum 2022 na ginanap sa Marriott Hotel sa Pasay City.

“So to aid the transition that we are talking about, I invite you to invest in key areas such as education and skills training; digitalization of processes; and research and development,” dagdag pa ng Pangulo.

Nangako naman si Marcos na pagsusumikapan ng gobyerno na mapalakas ang ekonomiya upang mabawasan ang kahirapan at madagdagan ang bilang ng mapapasukang trabaho.

“Rest assured, this government is united in ensuring that the Philippines will become a viable and sustainable destination for domestic and foreign investors,” ani Marcos.

Kinilala rin ng Pangulo ang kahalagahan ng Joint Foreign Chambers of the Philippines bilang kapartner ng bansa sa paglikha ng mga investment opportunity.