BBM2

PBBM inaprubahan 90-day extension ng SIM Registration

260 Views

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 90-day extension para sa SIM registration period

Sa Miyerkoles, Abril 26, sana ang deadline ng pagrerehistro ng SIM card.

Inaasahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na aabot sa 15-18 milyon na Pilipino ang magpaparehistro pa sa loob ng nasabing extension period.

Sa pinakahuling ulat, mahigit 82 milyong SIM o 49.31% ng kabuuang aktibong SIM noong Disyembre 2022 ang nakapagrehistro na.