BBM1

PBBM inaprubahan National Security Policy 2023-2028

158 Views

UPANG epektibong matugunan ang mga hamon sa pambansang seguridad, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Security Policy (NSP) 2023-2028.

Ang dalawang pahinang Executive Order No. 37 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin batay sa kapangyarihang ibinigay sa kanya ng Pangulo.

Ang lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang government-owned or -controlled corporations (GOCCs) at mga lokal na pamahalaan ay inaatasan na gamitin ang NSP 2023-2028 bilang gabay sa paggawa ng kanilang security-related program at strategy.

Ang NSP 2023-2028 ay inaatasan na magsagawa ng periodic assessment at magsumite ng ulat sa Pangulo at sa National Security Council (NSC) kaugnay ng mga hakbang na kanilang ginawa na may kinalaman sa seguridad.

“For this purpose, the NSC, through the NSA, shall monitor the implementation of the NSP 2023-2028, and upon consultation with and concurrence of relevant government agencies, GOCCS, and LGUs, shall propose memoranda, circulars and other orders related to the implementation thereof, for the approval of the President,” sabi ng EO.