BBM1

PBBM inatasan bagong DA chief na kontrolin presyo ng pagkain

212 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Francisco Laurel Jr., ang bagong talagang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na kontrolin ang tumataas na presyo ng pagkain.

Ayon kay Pang. Marcos napag-usapan na nila ni Laurel ang mga mithiin ng kanyang administrasyon.

“Well, the obvious one is try and gain control of the prices of all the agricultural commodities that are going up,” ani Pang. Marcos.

“In the immediate term, kailangan natin ma-control at tingnan natin kung paano natin gagawin,” saad pa nito.

Sinabi ng Pangulo na mahalagang matugunan ang epekto ng climate change upang mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Patuloy din umanong makikipag-ugnayan ang gobyerno sa iba pang bansa, lalo na sa ASEAN para sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya para mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa.

“Tinitingnan natin ang mga ginagawa ng ating mga karatig bansa such as Thailand, such as Indonesia, such as Vietnam at baka mayroon tayong matutunan sa kanila na puwede nating na bagay dito sa Pilipinas and that’s the first that our new Secretary will have to do,” saad pa ng Pangulo.

Sinabi naman ni Laurel na makikipagpulong ito sa mga opisyal ng DA upang makuha ang kooperasyon ng mga ito para maging epektibo ang DA sa pagganap ng kanilang mandato.