BBM1

PBBM ipinag-utos phytosanitary inspection ng mga nasabat na sibuyas

179 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng phytosanitary inspection sa mga nasabat na smuggled na sibuyas upang matiyak na ligtas ang mga ito bago ibenta sa publiko.

“The problem with the onions we’ve been trying… since kasi ang dami nating nahahanap na smuggled onions, pinipilit kong ilabas diyan sa market unfortunately, we do not know the source of these onions. So they all have to be inspected. Hindi puwedeng random,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na makabubuti kung kukuha ng third-party inspector na siyang magsasagawa ng phytosanitary inspection para matiyak na walang transboundary diseases sa mga sibuyas.

Ayon kay Marcos hindi ligtas para kainin ang mga nakumpiskang sibuyas na nauna ng nainspeksyon.

“So ‘yun lang ang quandary natin. We are trying to negotiate with third parties to do the inspection. But right now we are still reviewing all of that,” dagdag pa ng Pangulo. “They really have to be very safe kasi just one batch na makalusot, maraming magkakasakit talaga. So that’s the situation there.”

Milyong halaga ng sibuyas ang nakumpiska ng mga ahensya ng gobyerno habang nananatili namang mataas ang presyo nito sa mga pamilihan.