PBBM ipinagtanggol appointment ni Cascolan, Soriano

209 Views

IPINAGTANGGO; ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang pagtatalaga nito kay dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan at award-winning director na si Paul Soriano.

Ayon sa Pangulo malaki ang maitutulong ng dalawa sa gobyerno.

Ang magiging trabaho umano ni Cascolan bilang Undersecretary ng Department of Health (DOH) ay ang pag-aayos ng organizational structure ng ahensya.

“Of course, he’s not a doctor, and it’s not health issues that he has to look at. That’s why he doesn’t have to be a doctor. He’s going to look at the functions of the DOH,” sabi ng Pangulo.

“We talk about rightsizing, we talk about structural changes. ‘Yun. We need somebody to examine what has been going on, ano ‘yung maganda, ano ang hindi maganda, ano ang pwedeng mas maayos, that will be his function kaya special concerns,” paliwanag ng Pangulo.

Sa pagtatalaga naman kay Soriano, sinabi ng Pangulo na hindi ito gagamiting PR machine ng Palasyo.

Ang tututukan umano ni Soriano ay ang pagpapa-unlad ng creative industry.

“Kasi don s’ya galing e. So ipinagmamalaki, kasama ‘yan sa tourism. Ipinagmamalaki natin, ang gagaling kumanta ng Pilipino, magaling umarte, ang gagaling gumawa ng sine etc, etc,” sabi ng Pangulo.

Umaasa si Pangulong Marcos na magiging malinaw na ang ginawa nitong pagtatalaga kay Soriano bilang presidential adviser on creative communications.