BBM

PBBM isinusulong mas madaling regimen na buwis para sa industriya ng pagmimina

Chona Yu Oct 16, 2024
35 Views

HUMIHIRIT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga mambabatas na suportahan ang Rationalization of the Mining Fiscal Regime.

Apela ni Pangulong Marcos, gumawa ng isang mas madaling regimen sa buwis para sa industriya ng pagmimina sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang hakbang na ito ay pundasyon para sa palikha ng patas at makatarungang kapaligiran sa pagminina para sa lahat .

“I urge all our dedicated agencies and esteemed members of Congress to support the Rationalization of the Mining Fiscal Regime,” pahahag pa ni Pangulong Marcos sa 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) sa Palasyo ng Malaknyang.

Ang panukalang batas ay nagbibigay mukha para sa bagong rehimen sa buwis, na nagtatakda ng four-tier, margin-based royalty mula sa 1.5% hanggang limang porsiyento sa income mula sa mining operations sa labas ng mineral reservations.

Sa kasalukuyang fiscal regime sa buwis, ang obligasyon ng mga grupo at kumpanya sa pagmimina ay nag iiba iba depende sa kasunduan sa pagmimina at nagtatakda rin ng mga buwis lamang para sa mga minahan na gumagana sa loob ng isang mineral reservation.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang kanilang kakayahan sa regulasyon sa industriya ng pagmimina.

“It is equally vital for the DENR to strengthen regulatory capabilities for all mining operations to ensure compliance with safety and environmental standards,” ayon pa sa Pangulo Marcos.