BBM2

PBBM itinalaga ilang opisyal ng gobyerno

177 Views

INANUNSYO ng Presidential Communication Office ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilang opisyal ng gobyerno.

Itinalaga ng Pangulo si Vicente Homer Revil bilang acting administrator at miyembro ng Board of Trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na nasa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Si Jovy Bernabe ay itinalaga namang acting member ng Board of Trustees ng LWUA.

Presidential Assistant I na nasa ilalim ng Office of the Appointments Secretary naman ang posisyon na ibinigay ng Pangulo kay Mary Lyn Charisse Lagamon.