Acorda

PBBM itinalaga si Acorda Jr. bilang PNP chief

218 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Police General Benjamin Acorda Jr. bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Dumalo si Pangulong Marcos sa isinagawang change of command ceremony ng PNP sa Camp Crame kung saan hinamon nito ang kapulisan na ipatupad ang maximum tolerance sa mga tumutuligsa sa organisasyon.

Pinalitan ni Acorda si Police General Rodolfo Azurin Jr.

Hinamon ni Pangulong Marcos ang PNP na maging bukas sa kritisismo ng publiko.

“Serve the people with integrity, with accountability, and genuine justice. Always be open to public scrutiny, and practice restraint and maximum tolerance in the face of harsh criticism,” ani Pangulong Marcos.

“As a united police force, always strive to win the trust, respect and admiration of our citizenry, through an efficient, ethical and compassionate brand of police work,” dagdag pa nito.

Nanawagan din si Pangulong Marcos sa publiko na iparamdam ang presensya ng kapulisan sa mga lansangan upang maramdaman umano na ligtas ang mga ito.

Kumpiyansa si Marcos na ang magandang halimbawa na ipakikita ni Acorda ay susundan ng buong organisasyon.

Sa kanyang talumpati, sinabi naman ni Acorda na magpapatuloy ang paglilinis sa hanay ng kapulisan.