BBM1

PBBM itinulak PH-EU Free Trade Agreement

134 Views

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa EU-ASEAN Business Council (EU-ABC) at European Chamber of Commerce in the Philippines (ECCP) na itulak ang pagbuhay sa negosasyon para sa bilateral Philippine-EU Free Trade Agreement (FTA).

“I believe that we can all agree that the timing and conditions are now quite ripe for us to solidify the long-standing and historically beneficial trade relations: through a bilateral Philippine-EU Free Trade Agreement,” ani Pangulong Marcos.

Dumalo ang Pangulo sa EU-ABC Annual General Meeting Gala Dinner sa Makati City kasama si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“Hence, I take this opportunity to call upon our friends from the EU-ABC and ECCP to actively advocate for the resumption of negotiations for this purpose, as well as to strive for fair treatment and more beneficial reciprocity,” sabi ng Pangulo.

Naniniwala ang Pangulo na makikinabang ang EU at Pilipinas sa pagkakaroon ng free trade agreement ng mga ito.

“And if and when that happens, it could very well be the capstone of all efforts to strengthen Philippine and EU relations over the course of the next decades,” dagdag pa ng Pangulo.

Gumagawa ng mga hakbang si Pangulong Marcos upang magpatuloy ang pag-unlad ng ekonomiya na nakapagtala ng paglago sa mga nakalipas na quarter.