BBM2 Sa pamamagitan ng tawag sa telepono, nagpasalamat si Pangulong Marcos kay Singaporean Prime Minister Lawrence Wong sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine.

PBBM kay Singaporean PM Lawrence Wong: Salamat sa ayuda sa mga biktima ng bagyong Kristine

Chona Yu Nov 7, 2024
45 Views

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Singaporean Prime Minister Lawrence Wong dahil sa iniabot na tulong para sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Ipinaabot ni Pangulong Marcos ang pasasalamat kay Wong sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

“The Philippines sends our heartfelt gratitude and we look forward to deepening our ties and creating even more ways to support each other across the region,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We discussed sustaining this partnership—from humanitarian aid to tackling climate challenges—all within the framework of ASEAN cooperation,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang nagpadala ang Singapore ng military aircraft saa Pilipinas para magamit sa non-food relief items mula sa Office of the Civil Defense (OCD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) patungo sa Naga City na matinding hinagupit ng bagyyo.

Hunyo 2023 nang lagdaan ng Pilipinas at Singapore ang Memorandum of Understanding (MOU) on Humanitarian Assistance and Disaster Relief.