Calendar
PBBM kinilala ambag ng Grab sa paglikha ng trabaho
BINIGYANG pagkilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kontribusyon ng Grab Philippines sa pagbuo ng lokal na trabaho sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaking tulong ito sa pagsusumikap ng administrasyon na mabigyan ng marangal na pamumuhay ang bawat Filipino.
Ayon kay Pangulong Marcos, humigit-kumulang sa 1.1 porsiyento ang naiambag ng Grab sa pagtaas ng bilang ng may trabaho sa nakaraang isang taon at kalahati.
“Your impact on unemployment numbers comprises about 1.1 percent of the increase in employment in the past year and half. That was Grab, so that’s the 300,000 that we’re talking about has a significant effect,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa courtesy call ng mga opisyal ng Grab Holdings Inc. sa pangunguna ng co-founder at CEO na si Anthony Tan noong Martes sa President’s Hall sa Malacañan Palace.
“Actually, may mga upstreams and downstreams na kasama nito, so yeah, there are jobs created not only the actual operators,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Noong 2023, lumikha ang Grab ng higit sa 100,000 mga trabaho sa driver at operator at na-digitalize ang higit sa 15,000 small and medium enterprises (MSMEs), na nag-ambag sa pagpapagaan ng pambansang unemployment rate ng 1.1 porsiyento hanggang 1.6 porsiyento mula 2019 hanggang 2021.