BBM2

PBBM kinilala PAF sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa

186 Views

KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng Philippine Air Force (PAF) sa pagbabantay sa teritoryo at maritime zone ng bansa.

“The achievements exemplify the values that the PAF stands for: integrity, excellence and patriotism. As members of the Philippine Air Force, you must always uphold these values as the custodians of our skies, entrusted with the task of upholding our national interests, protecting our people, and defending our territory,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa ika-76 founding anniversary ng PAF na ginanap sa Haribon Hangar, Clark Air Base sa Mabalacat, Pampanga noong Hulyo 3.

Sinaksihan din ng Pangulo ang capability demonstration sa Colonel Ernesto Rabina Air Base sa Capas, Tarlac at pinangunahan ang paggawad ng parangal sa mga natatanging tauhan ng PAF.

“The days ahead will not be easy and will demand every ounce of your strength and resilience. The winds of change signal geopolitical changes around our region and other parts of the world that as yet affect us. The Philippine Air Force’s maritime air patrol missions are thus essential in upholding our territorial integrity and safeguarding Philippine maritime zones,” sabi ng Pangulo.

Ang PAF ay itinayo noong Hulyo 1, 1947 alinsunod sa Executive Order No. 94.