Lotilla

PBBM kinuha si Popo Lotilla bilang kalihim ng DOE

308 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Raphael Perpetuo Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy (DOE).

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang appointment ni Lotilla.

Si Lotilla ay naging kalihim ng DOE sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo mula 2005 hanggang 2007.

Siya ay naging pangulo rin ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) at Deputy director general ng National Economic Development Authority (NEDA).

Si Lotilla ay propesor din ng law sa University of the Philippines, kung saan din siya nagtapos.